KALIBO, Aklan - Isang 17-anyos na lalaki ang inaresto ng awtoridad matapos umano itong maaktuhan habang nananalisi sa isang fruit vendor sa Makato Public Market sa Aklan.
Ayon kay PO2 Jover Zubiaga, ng Makato Police, sinamantala umano ng suspek, na taga-Tondo, Maynila, ang pagkakalingat ng biniktimang fruit vendor at kinuha ang bag ito para itakbo.
Kaagad namang napansin ng biktima ang ginawa ng suspek, kaya kaagad siyang nakahingi ng tulong at naaresto ang binatilyo.
Inaalam pa ng awtoridad kung may kinalaman ang suspek sa kilabot na Salisi Gang. (Jun N. Aguirre)