Ryan copy

NAGKAROON ng sunog sa bahay ni Ryan Seacrest nitong nakaraang Linggo ng gabi, at mapalad namang walang nasaktan o nasugatan.

Ibinalita ito ni Seacrest, 42, sa Instagram nitong Lunes at ipinakita sa larawan ang mga nasunog na kagamitan. “Fire last night at the house – thank God everyone is ok.”

Hindi nagbigay ng iba pang detalye tungkol sa insidente si Seacrest, bagamat hindi ito ang unang pagkakataon na masangkot ang TV/radio personality at producer sa ganitong mga aksidente. Noong Disyembre 30, patungo ang host ng ABC New Year’s Eve sa kilalang ball sa Times Square nang ma-trap siya sa elevator sa loob ng 40 minuto.

Classic movie ‘Ipaglaban Mo!’, ipinalabas ng CCP bilang kampanya vs VAWC

Kalmadong idinokumento ni Seacrest ang pangyayari sa sunud-sunod na nakakatawang Instagram post bago siya nailigtas ang mga staffer ng Good Morning America ng FDNY.

“I will tell you this, if you’ve ever been stuck in an elevator, it’s funny and cute for about 10 minutes,”sabi ni Seacrest na natatawa nang dumating siya. “And then about 20 minutes in, it’s not so funny anymore. But thank you to the fire department who came and rescued us and pried those doors open.” (People.com)