Apat na katao ang pinatay ng umano’y grupo ng vigilantes sa Quezon City, iniulat kahapon.

Base sa report kay Police Supt. Rodel Marcelo, hepe ng Criminal Investigation and Detection Unit (CIDU) ng Quezon City Police District (QCPD), dakong 12:30 ng madaling araw kahapon pinagbabaril at pinatay si Frederick Sumay, mekaniko, ng Barangay Holy Spirit, Quezon City.

Nag-uusap umano ang biktima at kanyang kaibigan na si Rolly Sebastian nang sumulpot ang tatlong armado na nakasuot ng maskara at walang-awang binistay si Sumay.

Una rito, sa Novaliches, Quezon City, iniulat ni PO3 Julius Cesar ng CIDU, dakong 11:00 ng gabi kamakalawa pinagbabaril ng anim na armado, pawang nakasuot din ng mascara, ang umano’y kilalang snatcher na si Nixon Sagun, 19, ng Bgy. Sauyo, Novaliches, Quezon City.

National

VP Sara binira si Sen. Risa: 'Walang kredibilidad ang Akbayan!'

Samantala, humihingi ng katarungan ang mga kaanak nina Richard Maniquez at Ronaldo Nabor na kapwa pinagbabaril ng tatlong armadong lalaki na nakasuot ng jacket at maskara.

Sa report ng CIDU, dakong 11:50 ng gabi, kumakain at nag-iinuman sina Richard at Nabor sa bahay ng kanilang kaibigan sa Laura St., Bgy. Old Balara, Quezon City nang sumalakay ang mga suspek at hinahanap si alyas “Totoy Tulak” at nang hindi nila masagot ay basta na lamang silang binaril. (Jun Fabon)