STO. TOMAS, Batangas - Patay ang dalawang katao habang sugatan ang isa pa matapos umanong habulin at pagsasaksakin ng kanilang nakaaway sa Sto. Tomas, Batangas, nitong Sabado ng gabi.

Kapwa dead on arrival sa St. Cabrini Hospital sina Joseph Gevada, 44; at Cayetano Catanoy, 56, habang sugatan naman si Rusty Española, 44 anyos.

Naaresto naman ng mga barangay tanod si Ronron Mateo, 30, taga-Barangay San Pablo, Sto. Tomas.

Ayon sa report ni SPO2 Jose Roy Malapascua, dakong 6:30 ng gabi nang nagtungo umano ang mga biktima sa bahay ni Mateo hanggang sa magtalo ang huli at si Gevada, na nauwi sa panghahabol ng saksak ng suspek. (Lyka Manalo)
Probinsya

'Layas!' Mayor Kerwin Espinosa, pinapaalis mga adik sa Albuera