Pabor si Finance Secretary Carlos Dominguez III sa panukalang batas sa Kongreso na taasan ang suweldo ng mga tauhan ng Bureau of Internal Revenue (BIR) upang makahikayat ng magagaling na propesyunal na pupuno sa 10,000 bakanteng posisyon at mapigilan ang dumaraming taxmen na umaalis sa serbisyo dahil sa napakababang sahod.

Sa round table discussion kasama ang mga editor at reporter ng Manila Bulletin, sinabi ng finance chief na iniendorso niya na itaas ang suweldo upang palakasin ang collection efficiency ng mga tauhan ng BIR at maabot ang P1.892 trilyon target na koleksiyon ngayong taon.

“I don’t mind if their salary will be increased five times but their positions should be removed from the civil service umbrella to make it easier to fire those who persist in doing the old ways ,” ani Dominguez.

Kamakailan ay sinabi ni Commissioner Caesar R. Dulay sa pagdinig ng Kamara na maraming tax collector ang naghain ng early retirement, karamihan ay mga batang certified public accountant (CPA) na ilang taon pa lamang sa serbisyo.

Libreng toll fee sa NLEX,SCTEX at iba pang expressway, ipatutupad sa Pasko at Bagong Taon

Ilang abogado rin ang nagbabalak na magbitiw. (Jun Ramirez)