Nananawagan si Senator Cynthia Villar sa Department of Foreign Affairs (DFA) na paigtingin ang legal assistance kay Jennifer Dalquez na hinatulan ng bitay sa United Arab Emirates (UAE) dahil sa pagpatay sa kanyang amo noong Disyembre 7, 2014.

Inaresto si Dalquez makaraang saksakin nito ang amo na nagtangkang gumahasa sa kanya.

“We cannot and should not allow the execution of yet another innocent OFW,” ani Villar.

Inaasahang maglalabas ng desisyon ang UAE Court of First Instance sa kaso ni Dalquez sa Pebrero 27. Kapag pinagtibay nito ang hatol ng lower court, iaakyat na ang kaso sa pinakamataas na korte. (Leonel M. Abasola)

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji