racing copy

POSITIBO ang ibinigay na grado ni International racing consultant Ciaran Kennelly sa horseracing industry sa bansa matapos ang pakikipagpulong sa mga opisyal ng Philippine Racing Commission (Philracom) bilang bahagi ng ayuda sa bansa ng International Federation of Horseracing Authorities.

Tinanggap ng IFHA kamakailan ang Philracom bilang pinakabagong miyembro ng international family, sapat para masiguro ang pagsulong ng industriya at world-class program para sa mga local races.

Ayon ky Philracom Chairman Andrew Sanchez, ang pagbisita ni Kennelly sa bansa ay tapik sa balikat ng industriya.

Hugot ng netizen tungkol sa 'Andito na tayo sa edad na...' umani ng reaksiyon

“He’s here to help us become worthy of our IFHA membership in terms of handicapping rules and procedure, transfer of technology and the like,” pahayag ng Philracom sa opisyal na pahayag.

Dumating sa bansa ang high-profile IFHA executive upang balangkasin at suriin ang pamantayan ng mga programa ng Philracom’s Racing Programme. Inaasahang magbibigya ng kanyang suhestyon si Kennely para sa mas epektibong rating-based handicapping system.

“In order to achieve these objectives, I would have to review their current structures and racing programme and meet the administrators of racing and personnel involved in the running of racing at their (Philippines’) three races tracks,” sambit ni Kennelly sa opisyal na pahayag.

Dumating sa bansa si Kennelly nitong Martes at kaagad na binisita ang Manila Jockey Club sa Carmona, Cavite matapos ang maiksing pakikipagpulong sa mga miyembro ng Philracom board sa Acacia Hotel sa Alabang.

Inilahad din ni Kennelly sa racing managers, club handicappers at racing officials ang kopya ng International Handicapping System, bago sinaksihan ang special race na inialay sa kanyang pangalan sa MJCI.

Sa pulong, naibahagi rin niya ang Internal Policies of the Regulatory Function of Handicapping rules and procedures, gayundin ang kahalagahan ng horse grouping kasama sina Moises Cundangan at Ferdinand Diva.

Iginiit ni Commissioner Niles na ang pagiging miyembro ng Philracom sa IFHA “will make sure that horseracing in the Philippines is held at the highest level.”

“Race owners are very excited because they know this will open new avenues for them. At the same time, this will ensure that Philippine racing will move towards globalization,” pahayag ni Niles.