Ibinunyag ng Police Regional Office (PRO)-10 na plano ng Maute terror group na magsagawa ng mga pambobomba sa Misamis Occidental.

Dahil dito, inalerto na ng PRO-10 ang lahat ng operatiba nito para tutukan ang Cagayan de Oro City at Ozamis City.

Batay sa ulat ng pulisya, target umano ng Maute ang dalawang nabanggit na lungsod sa Misamis Occidental.

Ayon kay Supt. Lemuel Gonda, tagapagsalita ng PRO-10, nakaalerto ang buong puwersa ng pulisya sa nasabing banta.

Probinsya

72-anyos, pinalo ng dumbbell sa ulo ng kaniyang misis na may mental disorder

Hinigpitan din ng pulisya ang pagbibigay-seguridad sa mga vital installation sa lalawigan at iniutos ang paglulunsad ng mga checkpoint sa labas at papasok sa Cagayan de Oro at Ozamis.

Kasabay nito, hiniling ni Gonda sa publiko na maging mapagmatyag laban sa mga tao at bagay na kaduda-duda upang mapigilan ang anumang pag-atake. (Fer Taboy)