Laro sa Martes

(Al Ahli gym)

5 n.h. -- Al Riyade vs Ball Above All

7 n.g. -- Egypt vs Sagese

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

9 n.g. -- Homenetmen vs Mighty Sports-PH

DUBAI – Sa ikalawang sunod na laro, sumulong, ngunit kinulang ang Mighty Sports-Philippines.

Kinapos ang Pinoy cagers sa Egypt National Team, 84-82, nitong Sabado sa 28th Dubai International Basketball Championship dito.

Nabalewala ang matikas na performance nina Kiefer Ravena at Jeron Teng –ipinapalagay na future star sa PBA – laban sa matatangkad at malalaking Engyptian.

Muntik nang makumpleto ang kabayanihan ng Six-foot guard na si Ravena, ngunit kumalog sa rim ang buzzer-beating three-pointer. Suportado ang grupo ng Scratch it at Rain or Shine.

Hataw naman si Teng, bokya sa game 1 laban sa Morocco, 83-75, sa natipang 18 puntos, kabilang ang siyam sa matikas na paghahabol ng Pinoy mula sa 42-60 bentahe ng karibal sa third period.

Bunsod ng kabiguan, kailangan ng Mighty Sports na maipanalo ang nalalabing apat na panalo upang makausad sa semifinals ng torneo.

Iskor:

Egypt 84 – Okasha 24, Abdelhalim 20, Abdallah 10, Aboushousha 8, Mostafa 7, Elgammal 5, Said 4, Oraby 4, Abouelrish 2, Tawfik 0, Eldahsnan 0.

Mighty Sports 82 – Brownlee 27, Ravena 10, Thabeet 9, Teng 9, McGuire 8, Belga 7, Intal 3, David 3, Douthit 2,Miller 2, Tiu 2, Arana 0.

Quarters: 19-22, 45-33, 60-48, 84-82. (Rey C. Lachica)