URBIZTONDO, Pangasinan – Kaagad na nasawi ang isang magsasaka na pinagbabaril habang mag-isang umiinom ng alak sa loob ng isang kubo malapit sa kanyang bahay sa Barangay Sawat, Urbiztondo, Pangasinan, Sabado ng gabi.

Dakong 8:45 ng gabi nitong Sabado nang pagbabarilin sa kubo si Marcos Moreno Tamayo, 46, binata, at residente sa nabanggit na lugar.

Blangko naman ang pamilya ni Tamayo sa dahilan ng pamamaslang sa kanilang kaanak. (Liezle Basa Iñigo)
Probinsya

5 buwang sanggol, natabunan sa landslide sa Davao City