Mas magiging mabilis at tumpak na ang mga impormasyong ibibigay ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) kaugnay sa lagay ng panahon sa bansa matapos maipatayo ang mga state-of-the-art radar station sa Aparri, Cagayan at Guiuan, Eastern Samar.

Ang proyekto ay pinondohan ng Japan International Cooperation Agency (JICA) batay sa panukala ng Department of Science and Technology (DoST)-PAGASA, upang mapabuti ang pag-uulat sa panahon at makatutulong sa disaster risk reduction.

“The Doppler radars will definitely improve our public service delivery,” sabi pa ng PAGASA. (Rommel P. Tabbad)

Relasyon at Hiwalayan

Chloe punumpuno ang puso dahil kay Carlos, inurirat kung kailan papakasal