Hindi dapat mabahala ang mga banyagang mamumuhunan kung ang kanilang negosyo ay nagmamalasakit sa kapaligiran at sa mamamayan.
Ito ang reaksiyon ni Department of Environment and Natural Resources (DENR) Secretary Gina Lopez sa mga pahayag na ilang foreign investor ang nangangambang mamuhunan sa bansa dahil baka malugi lamang sila, bunsod ng kanyang desisyon na ipasara ang ilang minahan.
“If they invest and rape the country, I prefer that they go away,” ani Lopez. “We want investments that will help us, like investments in our biodiversity, investments which will pay our people well. We welcome investments in area development where they can make money, but they are helping everybody else improve also.” (Ellalyn De Vera-Ruiz)