ISULAN, Sultan Kudarat – Naaresto ang isang armado na umano’y extortionist sa mga kumpanya ng bus matapos ikasa ang entrapment operation laban dito sa Datu Saudi Ampatuan sa Maguindanao.
Kinilala ng Isulan Police sa Sultan Kudarat ang nakakulong na ngayong si Jerry Ebrahim, 43, may asawa, umano’y dispatcher, at taga-Barangay Salvo, Datu Saudi Ampatuan.
Sa panayam sa suspek, mariin niyang itinanggi na may kaugnayan siya sa Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF), at napakiusapan lang na kuhanin sa unit ng Husky Bus ang isang ipinadalang bag. (Leo P. Diaz)