PADRE BURGOS, Quezon – Isang barangay kagawad at limang iba pa ang nadakip, habang isa naman ang nakatakas, sa pag-iingat umano ng mga ilegal na troso sa magkakahiwalay na operasyon sa Quezon kahapon, iniulat ng Quezon Police Provincial Office (PPO).
Kinilala ni QPPO Director Senior Supt. Rhoderick C. Armamento ang mga naaresto na si Salvador Egliane Lazo, 54, kagawad ng Barangay Cabuyao Norte, Padre Burgos; dalawang inupahan niyang tricycle driver na sina Binasbas Reomulin, 31; at isang 15-anyos na lalaki, kapwa ng Bgy. Marao; sina Georlito M. Sarico, 31, driver, ng Parañaque City; Ricardo B. Marcelo, 54, ng Taguig City; at Rommel A. Rental, 20, ng Parañaque.
Nakatakas naman sa pagdakip si Stephen G. Gano, 41, ng Bgy. Sto. Cristo, Sariaya.
Karamihan ay troso ng Narra, na pawang walang permit, ang nakumpiska sa mga suspek. (Danny J. Estacio)