Isang 50-anyos na lalaki, na sinasabing nakainom at puyat mula sa paglalamay sa kanyang kapatid, ang nasawi nang aksidenteng mahulog sa ilog ang sinasakyan niyang kotse habang ipinaparada niya ito sa gilid ng tulay, sa boundary ng Maynila at San Juan City, kahapon ng madaling araw.

Patay na sa pagkalunod si Vladimir de Vera, ng Old Sta. Mesa, Maynila nang mailabas sa kotse at maiahon ng mga rumespondeng tauhan ng Coast Guard Station (CGS) Pasig.

Batay sa ulat ni San Juan City Disaster Risk Reduction and Management Officer Stephanie Yao, nabatid na dakong 5:20 ng umaga nang mangyari ang aksidente sa San Juan Bridge, sa boundary ng Old Sta. Mesa sa Maynila at N. Domingo Street sa San Juan.

Kauuwi lang umano ni De Vera mula sa lamay sa kanyang kapatid at ipinaparada ang kanyang puting Suzuki Celerio (UWO-970) sa gilid ng San Juan Bridge, nang aksidenteng sumampa ang gulong ng kotse sa gutter ng tulay at nagtuluy-tuloy na mahulog sa San Juan River.

National

Ilang retiradong AFP at PNP officials, sumulat kay PBBM; inalmahan 2025 nat'l budget?

Sinasabing bukod sa puyat sa pakikipaglamay sa kanyang kapatid ay posibleng nakainom din si De Vera kaya nawalan ito ng kontrol sa ipinaparadang sasakyan. (Mary Ann Santiago)