NATAWA kami sa kuwento sa amin ng kaibigan namin sa Tondo. Kumakain daw silang mag-asawa sa isang kilalang restaurant sa Quezon City nang dumating ang isa sa mga hinahangaan nilang aktres na may dalawang kasama.

Nagkataon daw na okupado ang lahat ng mesa at may mga nakatayo pang customers na naghihintay ng maupuang mesa kung kaya pati ang kilalang female star, na mahusay pa namang umarte, ay nakatayo tin.

“Siyempre, dahil kilala naman siya na kahit hindi gaanong kaaya-aya ang suot niya, eh, inaasahan naming mag-asawa na ihahanap agad ng sila ng mauupuan ng waiters. Pero hindi ganu’n ang nangyari. First come, first serve,” sey ng kausap namin.

Matagal-tagal din daw na nakatayo ang female star at dalawang kasama sa may entrance ng resto at halatang imbiyerna na raw pati ang mga kasama nito.

Teleserye

Higop King Supremacy! Leading ladies na 'hinigop' ni Joshua Garcia sa teleserye

“Gusto ko na nga sanang ibigay na sa kanila ang inuupuan naming mag-asawa. Good for five kasi ang table namin, kaya lang may lumapit na waiter sa amin at sinabihan kami nakareserba na raw sa ibang naunang customer ang puwesto namin,” kuwento pa ng source.

Ang ikinaloka ng friend namin ay ang pabulong na binanggit sa kanila ng waiter. Madalas daw sa naturang resto ang female star at lagi raw naghahanap ng “star treatment”.

“Sana kung sikat pa siya, eh, ihahanap agad namin siya ng puwesto. Ang kaso, eh, hindi na siya kilala ng mga anak ng amo namin. At kung oorder ‘yan, eh, maliit lang at ilang oras inaabot ang kuwentuhan nila,” banggit daw sa kanila ng waiter.

Dagdag pa ng source, napansin daw marahil ng female star na siya ang pinag-uusapan kaya nakasimangot na ito.

“Pero hindi pa rin sila umalis at maghanap na lang ng ibang makainan. Kawawa naman,”sey na lang ng kausap namin.

(Jimi Escala)