FORT DEL PILAR, Baguio City – Kumpiyansa si Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff General Eduardo Año na tamang landas ang tinatahak ng militar sa paggapi sa Abu Sayyaf Group (ASG) at sa iba pang grupong terorista sa Mindanao.

Sa isang panayam sa media fellowship night sa Pine Breeze, Baguio City nitong Sabado ng gabi, sinabi ni Año na dalawang buwan pa lamang ang nakalipas simula nang ilunsad ang all-out war laban sa mga teroristang grupo ngunit marami na silang napagtagumpayan upang tuluyang madurog ang mga kaaway.

Aniya, determinado at motivated ang mga sundalo na magapi ang Abu Sayyaf bago ang anim na buwang deadline sa kanila, o hanggang Hulyo 31, 2017, dahil na rin sa suportang ipinagkakaloob ni Pangulong Duterte sa AFP.

“We still have four months to go but if we can finish the job earlier that’s okay,” sabi ni Año. “We call that strategic victory. The momentum is on our side and they will lose their will to fight and eventually some of them will lie low, some of them will surrender and we will convince even more the community to support our operating troops.”

National

DOH, nakapagtala ng 17 firework-related injuries sa loob lamang ng 24 oras

Una nang sinabi ng AFP na bagamat tutupad sila sa “no ransom” policy ng gobyerno sa kaso ng German na bihag ng ASG na si Jurgen Kantner, gagawin ng militar ang lahat upang mailigtas ang dayuhan.

Kasabay ng panghihingi ng P30 milyon ransom, nagbanta ang ASG na papatayin si Kantner sa Pebrero 26 kung hindi maibibigay ang hinihingi nilang halaga. (Francis T. Wakefield)