Hiniling ni Senate President Aquilino Pimentel III sa mga awtoridad na magsasagawa ng pag-aresto kay Senator Leila de Lima na irespeto ang Senado.

Nagbabala rin si Pimentel na sasampahan niya ng kaso ang sinumang alagad ng batas na aaresto sa isang senador sa loob ng session hall.

“Common sense dapat ang gamitin ng ating mga law enforcer. Number one, kung nasa session kami, huwag kaming istorbohin, kasi sila mismo ay gumagawa ng krimen, sila mismo ang makakasuhan niyan—disturbing a legislative session.

Irespeto nila ang session namin, irespeto nila ang premises namin,” sabi ni Pimentel.

National

5.9-magnitude na lindol, yumanig sa Southern Leyte; Aftershocks at pinsala, asahan!

Aniya, dapat na magkaroon ng koordinasyon sa pagitan ng Senado at ng mga arresting officer.

Inaasahang ilalabas ngayong linggo ang arrest warrant laban kay De Lima kaugnay ng tatlong kaso ng paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act na isinampa ng Department of Justice (DoJ) nitong Biyernes laban sa senadora sa Muntinlupa City Regional Trial Court.

“’Yung senador naman na subject ng warrant of arrest, responsible naman pong public official ‘yan. I’m sure matapos niyang pag-aralan ‘yan (warrant), kung makita niya na on its face ay valid, I’m sure hindi na niya pahihirapan ‘yung mga law enforcer,” paliwanag pa ni Pimentel.

‘HUDIKATURA INAABUSO NI DUTERTE’

Samantala, inakusahan ng Human Rights Watch (HRW) ang pamunuan ni Pangulong Rodrigo Duterte ng pag-abuso sa judicial system, na ginagamit umano kontra sa mga kritiko ng administrasyon, gaya ni De Lima.

“The politically motivated case against De Lima shows how Duterte‘s ‘war on drugs’ threatens not only the thousands of people targeted, but the criminal justice and political systems,” sabi ni Phelim Kine, deputy Asia director ng HRW. “It’s more important than ever that concerned lawmakers and foreign governments step up to denounce the Duterte administration’s disregard for basic human rights.”

Dating chairperson ng Commission on Human Rights (CHR) at kalihim ng DoJ, si De Lima ang pangunahing kritiko ni Pangulong Duterte, partikular sa usapin ng extrajudicial killings na iniuugnay sa kampanya laban sa droga.

“The prosecution of Senator Leila de Lima is an act of political vindictiveness that debases the rule of law in the Philippines. The Duterte administration seems intent on using the courts to punish prominent critics of its murderous war on drugs,” dagdag pa ni Kine. (LEONEL M. ABASOLA)