Nabahala si Senator Risa Hontiveros sa napaulat na pitong Pilipino ang nagpapakamatay bawat araw, kaya naman hinimok niyang isama sa mga programa ng ituturo sa mga paaralan ang tungkol sa mental health.

Aniya, walang sapat na kaalaman ang mga estudyante tungkol sa sakit sa pag-iisip, at wala rin namang sapat at maayos na kagamitan at mga pasilidad para sa mga may problema sa pag-iisip sa bansa.

Sa kanyang Senate Bill No. 1190 (Philippine Mental Health Act), iginiit ni Hontiveros na dapat na mapabilang ang mental health services at programs sa public health system.

“Our schools should not only be institutions of learning but also places to nurture sound mental health,” sabi ni Hontiveros. “Many Filipinos, especially our young ones, are suffering from the silent burden of impaired mental health. This is clearly the result of the country’s lack of a mental health policy to address this serious health concern. We cannot allow this to continue.”

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Aniya, isa sa bawat limang kabataan ay minsan nang ikinonsidera ang pagpapatiwakal, at nadagdagan ang bilang na ito sa loob ng 20 taon.

Isa sa mga nakikitang paraan ni Hontiveros ay ang paggamit sa social media, na maaaring maging malayang daluyan ng mga usapin tungkol sa mental disorders. (Leonel M. Abasola)