Isinugod sa ospital ang 48 pasahero, at apat sa mga ito ang malubhang nasugatan, makaraang bumangga ang isang fast craft sa isang barge sa ilalim ng Mandaue-Mactan Bridge sa Cebu, nitong Sabado ng gabi.

Mabilis na rumesponde ang mga medical team at tauhan ng Bureau of Fire Protection (BFP)-Cebu sa Pier 4 kasunod ng aksidente na nangyari bandang 10:00 ng gabi.

Hindi pa pinapangalanan ang mga biktima habang sinusulat ang balitang ito, at pawang nagpapagaling na sa ospital.

Nabatid sa imbestigasyon ng Philippine Coast Guard-Cebu na papasok sa lalawigan ang fast craft, galing sa Ormoc City, Leyte, nang bumangga ito sa isang barge.

Probinsya

Sanggol, ika-21 biktima sa gumuhong estruktura sa Pampanga!

Sinabi naman ng PCG na walang iniulat na sugatan sa mga sakay ng barge.

Fer Taboy