DAGUPAN CITY, Pangasinan – Inaresto ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA)-Cordillera ang isang hinihinalang drug pusher sa ikinasang buy-bust operation sa First Road, Quezon Hill Proper sa Baguio City.
Dinampot ng mga awtoridad si Brian Bulante Llabres, 30, taxi driver, tubong Masbate at taga-Pinsao Pilot, Baguio City, matapos siyang makumpiskahan ng transparent plastic sachet na may hinihinalang shabu, na nagkakahalaga ng P6,000.