Hinihinalang nagpatiwakal ang lalaking suspek sa pagpatay sa lima niyang kamag-anak matapos silang matagpuang patay sa loob ng kanilang nakakandadong bahay sa liblib na bahagi ng bayan ng Tayasan sa Negros Oriental.
Napaulat na kabilang sa mga biktima ang isang walong taong gulang na babae.
Iniulat na batay sa paunang ulat kahapon sa Negros Oriental Police Provincial Office, kinilala ni Senior Supt. Henry Biñas, provincial director, ang mga biktima na sina Walbet Amihoy, 40; Felisa Amihoy, 60; Dikoy Amihoy, 20; Leovicita Guillepa, 48; Marilou Goles, 14; at ang walong taong gulang na si Rea Mae Dagohoy Guillepa, pawang taga-Barangay Lag-it, Tayasan.
Ayon sa police report, maraming tama ng saksak at taga ang ikinamatay ng magkakaanak, na pinaniniwalaang dulot ni Walbet.
Nabatid na ilang araw nang kakaiba ang ikinikilos ni Walbet at ilang linggo nang laging may bitbit na patalim—ang mismong armas na natagpuan sa crime scene malapit sa kanya, ayon sa media reports.