Agad sumuko kay Quezon City Police District (QCPD) Director Police chief Supt. Guilor Lorenzo T. Eleazar ang isang bagitong pulis nang aksidente niyang mapaputok ang kanyang armalite na ikinasugat ng isang preso sa Camp Karingal, iniulat kahapon.

Nahaharap ngayon sa kasong administratibo si PO1 Erickson Eslao y Sacyaten, 30, nakatalaga sa Special Reaction Unit (SRU) ng District Public Safety Battalion (DPSB) ng QCPD Camp Karingal.

Nadaplisan naman ng bala si Mary Grace Lasin, nakapiit sa Female Dormitory 1, Camp Karingal, Sikatuna Village, Quezon City.

Base sa imbestigasyon, dakong 7:30 ng gabi, nililinis umano ni Eslao ang kanyang M-16 assault rifle sa tanggapan ng DPSB nang aksidenteng makalabit ang gatilyo.

Nakonsensyang holdaper, kusang sumuko sa pulisya; ginamit na kutsilyo at baril, laruan lang!

Nag-aayos naman ng kanyang sarili si Lasin sa Female Dormitory 1 na nasa tapat ng DPSB nang makarinig ng putok ng baril at naramdamang dumaplis ang bala sa kanyang ulo.

Agad namang isinugod ang biktima sa Quirino Memorial Medical Center at nilapatan ng lunas. (Jun Fabon)