Pinag-iingat ng Department of Labor and Employment (DoLE) ang publiko, partikular ang mga nagbabalak magtrabaho sa ibang bansa, laban sa mga hindi awtorisadong pangangalap ng mga caregiver sa Japan.

Sa inilabas na abiso ng Philippine Overseas Employment Administration (POEA), nilinaw nitong hindi pa lubos na ipinatutupad ang 2016 Technical Training Act of Japan na nagbibigay ng oportunidad sa mga caregiver na mamasukan sa ilalim ng technical intern training program.

Paalala ng POEA, ang mga recruitment agency sa bansa na tatanggap ng mga overseas Filipino worker sa Japan ay isang paglabag sa panuntunan at regulasyon ng kasunduan. (Mina Navarro)

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'