Isang click na lang ay malalaman na ng mga Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) member ang mga impormasyon tungkol sa kanilang mga benepisyo.

Upang mas maging madali para sa mga miyembro na ma-access ang kanilang mga benepisyo sa kahit anong oras at kahit saan, binuo ng PhilHealth ang PhilHealth ACR (All Case Rates) Search app.

“With the majority of people using mobile devices like smartphones and tablets, we saw an opportunity to create and develop an app to provide our members with easy access to information on their PhilHealth benefits,” sinabi kahapon ni PhilHealth Acting President at CEO Ramon F. Aristoza, Jr.

Ang nasabing mobile app ay available na sa android platform users at libreng mada-download sa Play Store.

National

DOH, nakapagtala ng 17 firework-related injuries sa loob lamang ng 24 oras

Samantala, para sa mga hindi naka-android, magpunta lamang sa www.philhealth.gov.ph gamit ang ACR Search Engine na matatagpuan sa kanang bahagi ng website.

Maaaring ma-access ang nasabing application kahit naka-offline. (Charina Clarisse L. Echaluce