Laro Ngayon
(Araneta Coliseum)
5 n.h. – SMB vs TNT
NAGING kontrobersyal ang muestrang ‘nagluluto’ si Star Hotshots forward Alen Maliksi.
Kung tunay na naka-tadhana, asahang ang kampeonato ang luto nang aangkinin ng Hotshots.
Target ng Hotshots na tapusin na ang duwelo sa Barangay Ginebra Kings sa pagpalo ng Game Six ngayon sa OPPO-PBA Philippine Cup best-of-seven semi-finals sa Smart-Araneta Coliseum.
Tangan ng Star ang 3-2 bentahe nang bumida si Raffy Reavis sa naiskor na 17 puntos at 14 rebound sa Game 5 Biyernes ng gabi.
Iginiit ni Star coach Chito Victolero na hindi na kailangang papormahin ang Kings para hindi na nila danasin ang todong sakrispisyo.
“Ibang klase ang morale ng Ginebra pag nakabalik sa serye. Kaya kung may pagkakataon na kunin na nakin,” sambit ni Victolero. (Marivic Awitan)