Hinimok ni Department of Labor and Employment (DoLE) Secretary Silvestre Bello III ang publiko na isumbong sa Hotline 1349 ang mga pang-aabuso sa mga anak ng mga overseas Filipino worker (OFW).

“I am asking the public that if they witness or suspect that a child of an OFW is being abused, they should call our Hotline 1349 so we can ensure the safety of the child,” ani Bello.

Binanggit ng kalihim ang ulat ng National Baseline on the Study on Violence Against Children ng UNICEF na nagsasabing ang mga batang naiwan ng mga magulang na OFW ay lantad sa pang-aabuso.

Sinabi ni Bello na ang mga ulat na natatanggap sa Hotline 1349—na bukas 24/7—ay iimbestigahan ng DoLE, sa pakikipag-ugnayan sa Department of Social Welfare and Development at Department of Justice. (Mina Navarro)

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'