BATANGAS - Libu-libong miyembro ng iba’t ibang kooperatiba sa bansa ang nakiisa sa protesta sa Batangas City nitong Sabado upang pigilan ang panukalang batas na mag-aalis sa tax exemption sa mga kooperatiba.

Pinangunahan ng kinatawan ng AGAP Party-list Representative at chairman ng House committee on cooperatives na si Rico Geron ang nasabing protesta sa Provincial Sports Complex sa Barangay Bolbok.

“Na-threatened po ang ating mga kooperatiba, dahil ang maliliit na kasapi ang maaapektuhan. Kung ngayon na wala pang buwis na ipinapataw sa mga kooperatiba, marami ang nagsasara, what more kung papatawan pa ng buwis? Paano tayo magko-compete sa malalaking negosyo?” ani Geron.

Nagsuot ng itim na damit ang mga raliyista upang ipakita ang kanilang pagtutol sa House Bill 231 at Senate Bill 229 (Act Rationalizing the Grant and Administration of Fiscal Incentives). (Lyka Manalo)

Probinsya

Kapilya ng INC sa Quezon, pinasabugan ng bomba; suspek, gumagamit umano ng iligal na droga