one copy

SENTRO ng aksiyon sa mixed martial arts (MMA) sa Asian region ang Pilipinas kung kaya’t hindi maikakaila na inaabangan ang ONE Championship ng Pinoy mula nang unang ilatag ang ONE FC promotion sa bansa noong 2012.

Kabuuang 52 event ang ginanap sa Araneta Coliseum sa Quezon City at state-of-the-art MOA Arena sa Pasay City.

Higit na yumabong ang MMA nang makipagtambalan ang ONE Championship sa ABS-CBN sa nakalipas na taon dahilan upang mapanood ang live program sa buong bansa sa free television.

ALAMIN: Mga dapat malaman at gawin upang maging ligtas sa ‘tsunami’

Iginiit ni ONE FC chairman Chatri Sityodtong na ang Pilipinas ang premyadong destinasyon ng promotion sa taunang programa ng organisasyon.

“The Philippines is one of our biggest markets because the fans in the country are just so passionate about mixed martial arts,” pahayag ni Sityodtong.

“The country is a very important market for us. I truly believe that ONE Championship can become mainstream where every single Filipino is enthralled with what ONE Championship has to offer,” aniya.

Bunsod nito, isinabi ni Sityodtong na plano niyang dalhin ang ONE Championship maging sa labas ng Manila sa hinaharap.

“Our operations team has looked at various stadiums across the Philippines. We’ve scouted places that could meet our standards in terms of size and quality. I will not be surprised if in the future, we will see more events in the Philippines, not just Manila but in other cities,” aniya.

Kabilang sa tinitignan ni Sityodtong ang Cebu City.

“We’re looking at Cebu City as a possible future destination,” pahayag ng ONE FC big boss.

Naghihintay din ang mga kababayan ni ONE Lightqweight World Champion Eduard ‘The Landslide” Folayang na mapanood ang laban ng live sa Baguio City.

“We are open to all options definitely. I don’t want make any announcement or prediction right now, but there is a possibility,” aniya.