Pinaiimbestigahan na ng Commission on Elections (Comelec) kung sino ang nasa likod ng pagnanakaw ng kanilang computer sa Wao, Lanao del Sur nitong nakaraang buwan.

Kinumpirma ni Comelec Chairman Andres Bautista na natangayan sila ng isang computer at nais nilang malaman kung ito’y ordinaryong pagnanakaw lamang o sadyang tinarget na tangayin ang kanilang computer.

Ayon kay Bautista, ini-report na ng kanilang executive director na si Jose Tolentino, Jr. ang insidente sa National Privacy Commission at napag-usapan na rin ito ng Comelec en banc sa idinaos nilang pagpupulong noong Pebrero 8.

Kaugnay nito, tiniyak ni Bautista na hindi basta-basta nabubuksan ang mga data ng ninakaw na computer dahil encrypted ito. (Mary Ann Santiago)

Eleksyon

Archdiocese of Manila, hindi mag-eendorso ng kandidato sa eleksyon