Pinagsusumite ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ng komprehensibong traffic management plan ang mga organizer ng mga event na tulad ng rally, fun run at concert, upang maiwasang madagdagan ang problema sa trapiko sa mga pangunahing lansangan sa Metro Manila.

Ito ang inihayag kahapon ni MMDA General Manager Tim Orbos sa layuning matiyak ang bilang ng mga traffic enforcer na itatalaga sa mga lugar na pagdarausan ng fun run, rally at concert.

Isang linggo bago ang event ay dapat na nakapagsumite na ang organizer ng comprehensive traffic management plan sa MMDA.

“Organizers and establishments of such events must submit to us their comprehensive traffic management plan at least one week in advance for proper coordination and information dissemination so as not to cause too much public inconvenience,” ani Orbos.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Tinukoy ni Orbos ang isang kaganapan nitong Martes nang idinaos ang isang concert sa Araneta Coliseum nang hindi naipaalam sa MMDA.

Samantala, natuwa naman kahapon ang maraming motorista sa dry-run ng MMDA tungkol sa traffic re-routing scheme sa EDSA-McKinley Road sa Makati City, dahil nagluwag ang trapiko sa lugar.

Magugunitang “one way” lang noon ang EDSA-McKinley Service Road at karamihan ng dumaraan doon ay mga pampasaherong jeep.

Ngunit sa bagong re-routing scheme, maaari nang dumaan ang lahat ng sasakyan sa lugar matapos itong gawing “two way” ng MMDA, kasunod ng pagbabawal sa mga jeep na dumaan sa EDSA-Guadalupe. (Bella Gamotea)