ERICH AT DANIELL copy

TINAWAGAN uli kami ng taong may alam sa buong istorya ng paghihiwalay nina Erich Gonzales at Daniel Matsunaga nang mabasa ang sinulat namin kahapon.

Binanggit namin na mukhang okay na ang dalawa dahil pinagharap na sila ng Star Magic at pinayuhan pa ni Ms. Charo Santos-Concio ang aktres.

“Siyempre, may show sila sa ibang bansa, prior commitment ‘yun, kailangan talaga nilang mag-usap para i-settle lahat para pag humarap sila sa ibang tao, dapat okay sila,” sabi ng aming caller.

Mga Pagdiriwang

EXCLUSIVE: Pasukin ang ‘biggest toy and pop culture event’ sa bansa

Idinagdag din namin na may lumabas na balitang pagdating sa US, sa kuwarto ni Erich nag-stay si Daniel.

“Baka nga okay na sila, kasi si Erich, sobrang in love pa kay Daniel talaga. Baka nga nagkabalikan, pero I doubt, look at the pictures, ang ganda ng ngiti at tawa ni Daniel, pero si Erich, malungkot ang mga mata,” sey niya.

Hirit namin, sana nga magkabalikan kung mahal pa nila ang isa’t isa, pero kung isang tao lang ang nagmamahal, huwag na lang dahil unfair.

“I think it’s Daniel who falls out of love, I still don’t know if he really love Erich in the first place or baka kailangan magpakitang kilig sila for their show dati (Be My Lady). As far as I know, ‘pag off-camera, hindi naman ganu’n kalambing si Daniel kay Erich, eh,” panimulang rebelasyon ng kausap namin.

“Totoo ‘yung sinulat mo na si Erich ang gumagastos lahat, like sa restaurants ‘pag kakain sila, their travels together and kay Erich din nakikituloy si Daniel dahil wala siyang sariling bahay.

“Nakikitira siya sa bahay ng kapatid niyang si Vanessa Matsunaga na may asawa na, so ganu’n ang set-up nila. Since malayo ang location ng Be My Lady, kay Erich nakatira si Daniel para magkasama na sila pagpunta sa set,” kuwento sa amin.

Kaya pala may lumitaw na isyung money matters ang dahilan ng hiwalayan.

“Yes, kasi hindi nag-i-effort si Daniel na humati sa gastos, it’s always Erich, kaya totoo talaga ‘yung mga naunang lumabas.

“Siyempre, lalaki si Daniel, to the rescue ang kapatid niyang si Vanessa. I don’t know kung alam ni Vanessa lahat ng ginagawa ng kapatid niya towards Erich.

“Saka kung masaya ka sa partner mo, bakit kailangan mong gumimik nang gumimik? May point namang magalit si Erich, di ba?

“Kaya hayun, pumutok na, bumigay na si Erich, ayaw na niya, but she’s still in love with Daniel. Kung nagbalikan, ‘yan ang hindi ko pa alam kasi hindi pa kami nagkakausap. Ayokong tawagan sila just to ask, wait ko na lang silang dumating,” kuwento ng aming source na may alam ng love story ng DanRich.

Wala kaming mai-comment sa isyung ito hangga’t hindi pa namin naiinterbyu muna ang dalawa. (REGGEE BONOAN)