MASBATE CITY – Wala nang buhay nang matagpuan ang isang 17-anyos na babaeng estudyante ng Grade 10 sa isang sapa sa Purok 6, Barangay Cagay sa Masbate City.

Ayon sa pulisya, Pebrero 14 pa iniulat na nawawala ang biktima, hanggang sa matagpuang patay nitong Huwebes.

Batay sa paunang imbestigasyon ng pulisya, hinihinalang hinalay muna ang biktima bago pinatay ng tiyuhin nitong Amador Cos Dalanon, 32 anyos.

Ang pagtukoy kay Dalanon ay batay sa salaysay ng isang testigo, na nagsabing nakita niya ang suspek habang kinakaladkad ang dalagita patungo sa sapa.

Probinsya

5 buwang sanggol, natabunan sa landslide sa Davao City

Inaresto na si Dalanon ay nahaharap sa rape with homicide na may paglabag sa Anti-Child Abuse Law (RA 7610) sa Masbate City Prosecutor’s Office. (Ruel Saldico)