MULING magbabalik aksiyon si four-time world champion Filipino-American Brian Viloria na aakyat ng timbang para harapin si Mexican super flyweight champion Ruben Montoya sa 8-round bout sa undercard ng depensa ni WBC bantamweight champion Shinsuke Yamanaka kay 6th ranked Mexican Carlos Carlson sa Marso 2 sa Korakuen Hall sa Tokyo, Japan.

Huling lumaban si Viloria nang hamunin niya si dating WBC flyweight champion at boxing’s pound-for-pound king Roman Gonzalez ng Nicaragua na binigyan niya ng magandang laban bago natalo sa 9th round TKO noong Oktubre 17, 2015 sa Madison Square Garden sa New York City sa United States.

Kilala sa bansag na “The Hawaiian Punch,” umakyat na rin si Viloria sa super flyweight division para magkaroon ng ikalawang pagkakataon na hamunin si Gonzalez na kampeon ngayon ng WBC sa dibisyon. Naging kampeon si Viloria ng WBC at IBF sa light flyweight division at sabay hinawakan ang WBA at WBO flyweight titles. (Gilbert Espeña)

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!