Baes photo 2 copy

HINDI maikakaila ang pagsikat ng ‘Baes’ ng Eat Bulaga. Bukod sa guest appearances nila sa GMA-7 noontime show, patuloy ding nangunguna sa ratings ang kanilang teen-oriented show na Trops. Pumapalo rin sila sa social media, at sa katunayan ay mahigit isang milyon na ang kanilang followers sa Instagram.

Dati, kilala lamang ang Baes — Kenneth Medrano, Miggy Tolentino, Joel Palencia, Tommy Peñaflor, Jon Timmons, and Kim Last — bilang back-up dancers sa EB. Ngayon, kilala na sila bilang sikat sa boy group at bilang indibidwal na artists.

Pero hindi lamang pagiging sikat ang goal ng Baes. Gusto rin nilang maging role models ng kabataan.”

Mga Pagdiriwang

ALAMIN: 10 bansang hindi nagdiriwang ng Pasko

“We owe it to those who supported us from the start to be the best that we can be,” sabi ni Kim. “Ever since I could speak, I’ve known I wanted to be an actor. Masaya na ako. I achieved the point wherein I’m happy. Masaya ako dito. I am living my dream, so I feel — the whole group feels — that we have to give back to the fans.”

Isang inspirasyon ang kuwento ng pagpasok sa showbiz nina Kenneth at Miggy.

Si Kenneth ang grand winner ng “That’s My Bae” contest ng Eat Bulaga noong 2015. At tulad ni Kim, noong bata pa siya ay pangarap din niyang maging artista. Pero dahil sa Cebu siya nakatira, hindi naging madali ang kanyang pagpasok sa showbiz. Sugal ang pagpunta sa Maynila para sa kanya upang matupad ang kanyang pangarap — at para matulungan ang kanyang pamilya, lalo na ang kanyang ina.

“Lahat naman ito, ginagawa namin para sa pamilya namin,” sabi ni Kenneth. “Minsan mahirap. Minsan wala na kaming tulog dahil sa trabaho. Pero pamilya namin ang motivation namin.

Tulad naman ni Kenneth, simpleng teenager lang si Miggy na, “Patambay-tambay lang sa labas ng bahay kasama ng mga kaibigan ko” bago pumasok ng showbiz. Madalas siyang sumali sa auditions bago nakasama sa “That’s My Bae” contest.

Pero hindi niya sukat akalain na nakapasok na nga siya sa showbiz.

Kahit naging bahagi na siya ng Eat Bulaga, inaamin niyang mababa pa rin ang kanyang self-confidence.

“Meron time na gusto ko na mag-quit,” kuwento ni Miggy. “Ang hinihiling lang namin dati, magkaroon ng show na mag-extra kaming anim na magkakasama. Naisip ko, balik na lang ako sa bahay namin. Mag-stay na lang ako sa dati kong buhay, mag-quit na lang kami.”

Pero pinigilan siya ni Bae Tommy, na full-time call center agent bago pumasok ng showbiz. Sabi ni Tommy, lahat ng ginagawa nila ay hindi na lamang para sa sarili nila.

“’Yung mga tagumpay namin, ‘yung mga achievements namin, para ‘yun sa lahat ng naniwala sa amin, para sa pamilya namin.”

Malayo na ang kanilang nararating simula sa kawalan ng tiwala sa sarili.

“Before, when people would see us it public, they would say, ‘Uy, si Twerk It Like Miley,” kuwento ni Kim. “Now they would say, ‘Uy, si Trops’.”

“We’re all living the same dream,” dagdag ni Jon. “It’s not competition. It just so happened that we have the same dreams and aspirations.”

Bilang role models ng kabataan, alam ng Baes na kailangan pa nilang magsumikap at magtrabaho para ma-achieve ang kanilang pangarap.

“Di ba may mga group na until now kilala pa rin kahit wala na sila? People would say na magaling ‘yung mga members ng Sex Bomb Dancers or Streetboys. We want to people to say someday na, ‘That’s My Bae ‘yan, magaling yan’,” sabi ni Kenneth.

“Sana we get to leave a mark, hindi ‘yung isang bagsak lang, tapos wala na. We’re here for the long haul. We’re here to stay,” dagdag ni Kim.