UMABOT sa 120 matitinding sultada ang napan ood ng mga oficionado kahapon sa Las Piñas Coliseum sa paglalatag ng unang yugto ng 2017 UFCC Cock Circuit tampok ang 40 matitibay na kasapi ng Ultimate Fighting Cock Championships.
Magkakatuwang na itinataguyod ng Thunderbird Bexan XP, Resorts World Manila at Solaire Resorts & Casino, ang 2017 UFCC Cock Circuit ay ginanap sa air-conditioned na Las Piñas Coliseum na sa ngayon ay mayroon ng bagong parking para sa kaginhawahan ng mga apisyonado.
Magkakaroon ng anim na 1-day 6-cock na laban simula Pebrero 18 at 25; Marso 4, 11 & 25 at sa Abril 1, na magtatapos sa isang 1-day 7-cocker sa Abril 22.
Ang itinakdang entry fee ay P55,000, samantalang ang minimum bet ay P33,000.