Labinsiyam katao, kabilang ang anim na menor de edad, ang inaresto ng pulisya sa pagkakasangkot umano sa ilegal na pagmimina sa Sitio Kilot, Barangay Tablo, Tampakan, South Cotabato, iniulat kahapon.
Ayon kay Insp. Harold Cornel, hepe ng Tampakan Municipal Police, kinilala ang mga suspek na sina Anthony Malit, Joni Masamlok, Ryan Diolan, Leath Matibay, Nelson Collado, Aldrin Dayem, Macky Labuayan, Lito Malayon, Roy General, Albert Ngoho, Serino Quibol, Bobet Peras, at Richie Jolan.
Sinabi ni Insp. Cornel na ang labis na nakababahala ay ang pagmimina ng anim na menor de edad, na hindi pinangalanan ng pulisya.
Nakumpiska sa mga suspek ang kagamitan sa pagmimina, kabilang ang mercury.
Sasampahan ng kaso ang 13 nabanggit na suspek habang ang mga menor de edad ay nasa kustodiya na ng Department of Social Welfare and Development (DSWD). (Fer Taboy)