Sa pangunguna ni Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle, aabot sa 10,000 Catholic religious at lay people, pawang nakasuot ng puti, ang nagtipun-tipon para sa “Walk for Life” na idinaos sa Quirino Grandstand sa Maynila kahapon.

Sa naturang aktibidad, na inorganisa ng Sangguniang Laiko ng Pilipinas, nagmartsa ang mananampalataya patungong Quirino Grandstand at nagdasal ng rosaryo habang may bitbit na mga placard at tarpaulin na nagpapahayag ng kanilang pagtutol sa iba’t ibang paraan ng pagpatay.

Agaw-atensiyon naman sa nasabing aktibidad si Sen. Leila de Lima na nagsabing dumalo siya sa Walk for Life dahil kaisa siya ng mga tao sa kanilang adbokasiya.

Ayon naman kay Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) President at Lingayen-Dagupan Archbishop Socrates Villegas, paunang hakbang pa lamang nila ito upang kondenahin ang planong pagbuhay sa parusang bitay.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

At para naman kay Tagle, “It is obvious that there is a spreading culture of violence. It is saddening to see, sometimes it drives me to tears how violent words seem so natural and ordinary,

“In your surroundings, in your neighborhood, there are so many lives that must be saved. They will not be saved by mere discussion.” (Mary Ann Santiago)