Nasa 1.8 milyong estudyante mula sa public at private school sa bansa ang nakatakdang kumuha ng National Career Assessment Examination (NCAE) sa Marso 1 at 2, 2017.

Ang Department of Education (DepEd), sa pamamagitan ng Bureau of Educational Assessment (BEA), ang namamahala sa taunang NCAE.

Sa nasabing pagsusulit, sinusukat ng DepEd kung saang larangan magaling at maaaring mag-excel ang isang estudyante o ang kanilang aptitude at occupational interest.

Sa pamamagitan nito ay magagabayan ang mga estudyante sa Senior High School (SHS) track na kanilang kukunin pagtuntong nila ng senior high school, kabilang na ang academic, technical-vocational-livelihood, sports, at arts and design.

National

Agusan del Sur, nilindol ng magnitude 5.3

Nilinaw naman ng DepEd na ang nasabing pagsusulit ay “non-discriminatory”.

Bukas din umano ang NCAE sa mga out-of-school youth at ALS (Alternative Learning System) Accreditation and Equivalency (A&E) passers na interesadong kumuha ng eksaminasyon. (Mary Ann Santiago)