Aarangkada ngayong Sabado (Pebrero 18) ang “Walk for Life” ng Simbahang Katoliko para tutulan ang death penalty, aborsiyon at extrajudicial killings.

Magsisimula ang prayer rally sa Quirino Grandstand dakong 4:00 ng madaling araw, at inaasahang matatapos ng 7:00 ng umaga.

Hinikayat ni Zenaida Capistrano, presidente ng Council of the Laity of the Philippines, ang mga kalahok na magsuot ng puting kamiseta at magdala ng puting flaglet at ribbon bilang simbolo ng kanilang laban na igalang ang buhay.

Gaganapin din ang mga parehong aktibidad sa Dagupan City, Pangasinan, at Cebu City. (Mary Ann Santiago)

Blind Item

Influencer na 'kagagahan' content, gusto pa sinusubuan ng PA habang pinapalitadahan ng make-up?