Ang mga tinitingalang kasapi ng Ultimate Fighting Cock Championships ay muling maglalaban simula ngayon sa paglarga ng una sa pitong yugto ng 2017 UFCC Cock Circuit sa Las Piñas Coliseum.
May kabuuang 40 kalahok ang inaasahang magbabanggaan sa derby na itinataguyod ng Thunderbird Bexan XP, Resorts World Manila at Solaire Resorts & Casino, sa pakikipagtulungan ng bagong repair na Las Piñas Coliseum.
Magkakaroon ng anim na 1-day 6-cock na laban sa Pebrero 18 & 25; Marso 4, 11 & 25 at sa Abril 1, na magtatapos sa isang 1-day 7-cocker sa Abril 22.
Ang itinakdang entry fee ay P55,000, samantalang ang minimum bet ay P33,000.
Ang pagsusumite ng timbang (1.900 – 2.500kgs.) ay ginanap kahapon na susundan agad ng computer matching.
Si Lagon, solong napanalunan ang UFCC Cocker of the Year noong isang taon, ay may mabigat na misyon para idepensa ang kanyang korona lalo na pagpasok ng mga bago subalit mabibigat na mga karibal.