Simula sa Lunes, Pebrero 20, ay sasabak na sa pagmamando ng trapiko ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang unang batch ng mga volunteer na nagtapos ng traffic management training at seminar.

Nabatid na ang mga itinalagang volunteer ay mula sa Civil Defense Action Group (CDAG), na pinamunuan ni Johnny Yu; at ng Pureforce and Rescue Corporation (Pureforce) na pag-aari naman ni Jomito Soliman.

Bibigyan ng traffic violation tickets ang bawat volunteer na kanilang ibibigay sa mga mahuhuling motorista na lumabag sa batas trapiko.

Magugunitang pinirmahan ng MMDA at ng mga pribadong organisasyon ang isang memorandum of agreement (MoA) bilang ayuda sa pagresolba sa problema sa trapiko sa Metro Manila.

Probinsya

Lolang nagtangkang magpasok ng ilegal na droga sa kulungan, arestado!

Sa ilalim ng MoA, magsasagawa ng transport at traffic management seminar ang MMDA para sa mga mapipiling volunteer.

Samantalang ang CDAG at Pureforce ang magkakaloob ng mga equipment at iba pang resources at assets para sa transport and traffic management. (Bella Gamotea)