090217_lopez_denr_01_vinas copy

“It is not my intention to create death, but I really don’t like suffering.”

Ito ang sagot ni Environment Secretary Gina Lopez sa isyu ng pagpapakamatay na iniugnay sa pagtutugis niya sa mga aktibidad ng mga minahan. Muli rin niyang idiniin ang layuning makalikha ng green economy na pakikinabangan ng mga pamayanan.

Sa video na ipinaskil sa kanyang Facebook nitong Huwebes ng gabi, sinagot ni Lopez ang pagkawala ng mga trabaho dahil sa pagsuspinde o pagpapasara niya sa kalahati ng mga minahan ng metal sa bansa na sumisira sa mga sakahan at mga bahagi ng tubig.

Classic movie ‘Ipaglaban Mo!’, ipinalabas ng CCP bilang kampanya vs VAWC

“Hindi sila nagtatrabaho ngayon, kasi ang mining ay seasonal. Hindi araw-araw ‘yan. ‘Pag umuulan, when the sea is rough, they don’t mine. Actually now wala pang nahamak dyan,” aniya tungkol sa mga minerong nawalan ng trabaho.

Idinepensa rin ni Lopez ang ahensiya laban sa sinasabing collateral damage ng kanyang desisyon. Isang minero ang iniulat na nagpakamatay dahil nawalan ng trabaho sa pagpapasara ng isang minahan ng nickel sa Santa Cruz, Zambales.

“I’m sorry that the suicide happened, (but) the suicide did not happen because we closed it,” paglilinaw ni Lopez.

Binanggit niya na si Winston Ordonez, minero sa Eramen Mineral, Inc., ay namatay noong Setyembre, habang isinasagawa pa nila ang pitong buwang audit.

Idiniin ni Lopez na kailangan ding isaalang-alang ang maraming tao na naaapektuhan ng mga maling pagmimina.

“Yes, there are some people that benefit, but is it correct? That a few people benefit but many others are suffering. I think it’s not right,” aniya.

Sinabi ni Lopez na tinatrabaho na ngayon ng kanyang ahensiya ang paglikha ng “green economy where everyone has a job every day of the year.” (VANNE ELAINE P. TERRAZOLA)