Sofia andres copy copy

NAPANOOD namin ang trailer ng Pwera Usog na pinagbibidahan nina Sofia Andres, Albie Casiño at Joseph Marco na idinirehe ni Jason Paul Laxamana under Regal Entertainment.

Plano sana itong isali ng Regal sa 2016 Metro Manila Film Festival, pero hindi umabot sa deadline, sayang naman.

Bagong putahe uli ito ni Direk Jason, horror film. Ang ‘pwera usog’ ay kaugalian nang binabanggit sa kultura natin para mailayo ang mga bata sa “bati” o anumang karamdaman.

Silvanas, pasok sa ‘50 best cookies in the world’

 

Base sa trailer, bagong salta sa isang lugar ang tatlong bida na may ginawa kaya nabati. Hindi malaman kung ang nakabati sa kanila ay ang taong pinaglaruan nila na nalaglag at namatay.

 

Nagsisihan ang mga bida kung bakit namatay ang biktima hanggang sa ginambala na sila nang husto.

 

Ang ganda-ganda ni Sofia sa pelikula at marunong naman pala siyang umarte, pero bakit hindi siya masyadong napapansin sa ABS-CBN? At bakit tila wala rin siyang markadong pelikula sa Star Cinema?

 

Anyway, kasama rin si Sofia sa Mighty Yaya ni Ai Ai de las Alas na ipapalabas din ngayong 2017.

 

Hmmm, si Sofia ba ang bagong paborito ngayon ng mag-inang Mother Lily Monteverde at Ms. Roselle Monteverde-Teo?

 

Ano na ang nangyari sa ibang aktres na may apat o lima pang movie contract sa Regal Entertainment? Parang nawawala na sila. (Reggee Bonoan)