ILOILO CITY – Isang babaeng Russian ang aksidenteng napatay ng kababayan at karelasyon niyang lesbian matapos siyang maitulak ng huli sa hagdanan sa gitna ng kanilang pagtatalo, habang nagbabakasyon sa Boracay Island sa Malay, Aklan.
Kinilala ni Supt. Gilbert Gorero, tagapagsalita ng Police Regional Office (PRO)-6, ang biktimang si Iuliia Burmistrova, 33, na naitulak sa hagdanan ni Uliana Zemlekhanova, 30, sa kainitan ng kanilang away sa tinutuluyan nilang AJ Traveller’s Inn nitong Pebrero 15.
Nauna ang ulo sa pagbagsak ni Burmistrova sa lupa at kaagad na binawian ng buhay.
Tumakas si Zemlekhanova ngunit naaresto rin kalaunan ng mga pulis, at nahaharap ngayon sa homicide. (Tara Yap)