Pinayuhan ng Manila Electric Company (Meralco) ang publiko na samantalahin ang malamig na panahon at magtipid ng kuryente bunsod ng napipintong pagtaas ng singil dito hanggang sa Mayo.

Inihayag kamakailan ng Meralco na magtataas sila ng 92 sentimo kada kilowatt hour sa singil ng kuryente ngayong buwan dahil sa pagtaas ng generation charge at iba pang bayarin, pagmahal ng produktong petrolyo at pagbaba ng piso kontra dolyar.

Magpapatupad din ng panibagong dagdag-singil ang Meralco sa Marso dahil sa maintenance shutdown ng Malampaya natural gas facility.

Sa inihaing petisyon sa Energy Regulatory Commission (ERC), tinataya ng Meralco na aabot sa P1.09 kada kilowatt hour ang maaaring ipatong sa singil sa kuryente. Gayunman, hindi nila itong bibiglain.

National

DOH, nakapagtala ng 17 firework-related injuries sa loob lamang ng 24 oras

“Thirty (30) centavos pagpasok ng Marso, 30 centavos pagpasok ng Abril at yung nalalabi ay sa Mayo,” pahayag ni Meralco spokesman Joe Zaldarriaga.

Normal aniya na tumataas ang konsumo sa kuryente tuwing tag-init, na nagreresulta sa mas mataas na bayarin ng mga consumer. (Mary Ann Santiago)