UPPER_021717-FIRE-Pasay-Arañas copy

Dalawang magkasunod na sunog ang naganap sa Pasay City, ang isa ay sa maliit na sari-sari store at ang isa naman ay sa 30 bahay na pawang gawa sa light materials na tinitirhan ng 60 pamilya, kahapon ng madaling araw.

Ayon kay Pasay City Bureau of Fire and Protection Fire Marshall, Supt. Carlos Duenas, sa unang insidente, isang maliit na sari-sari store sa kahabaan ng Taft Avenue, Barangay 179 ang nilamon ng apoy dakong 1:15 ng madaling araw.

Sinabi ni Duenas na mabilis na naapula ang apoy, dakong 4:10 ng madaling araw at patuloy namang iniimbestigahan ang nasabing insidente.

Classic movie ‘Ipaglaban Mo!’, ipinalabas ng CCP bilang kampanya vs VAWC

Makalipas ang isang oras, dakong 5:00 ng madaling araw, sumiklab naman ang apoy sa David at FB Harrison Street, Buendia Avenue, Bgy. 23 Zone 2, Pasay City at tinatayang 60 pamilya ang nasunugan.

Ayon kay Duenas, sa bahay ng isang Lyndon Tongco, ng David St., nagsimula ang apoy dahil sa napabayaang kandila.

Walang naiulat na sugatan sa magkasunod na insidente. (BELLA GAMOTEA at JEAN FERNANDO)