Ipinababasura ni dating Isabela Governor Ma. Gracia Cielo Padaca ang kasong graft at malversation laban sa kanya sa Sandiganbayan dahil umano sa kawalan ng ebidensiya.

Sa kanyang mosyon sa 3rd Division ng hukuman, ipinaalam din nito sa korte na nais niyang maghain ng demurrer upang tutulan ang mga ebidensiya, ng prosekusyon na aniya’y “hindi sapat upang maisulong ang kaso.”

Iginiit ni Padaca na hindi siya dapat managot sa asunto dahil hindi niya nahawakan o natanggap ang P25 milyong ibinigay sa Economic Development for Western Isabela and Northern Luzon Foundation, Inc. upang pangasiwaan ang pautang para sa mga magsasaka sa lalawigan noong 2006. (Rommel P. Tabbad)

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'