MATALINO at talentadong aktres si Emma Watson, kaya maaari rin siyang maging mahusay na life coach.

Sa halagang $2, nagkaroon ng pagkakataon ang mga bumibiyahe patungong Grand Central Station sa New York nitong Martes na makahingi ng payo sa aktres.

Nag-stream nang live si Watson, gaganap bilang Belle sa remake ng Beauty and the Beast ng Disney na malapit nang ipalabas, mula sa kanyang iPad sa Grand Central Station, at kasama ang manunulat at direktor na si Derek Blasber ay hinimok ang mga taong naglalakad sa pamamagitan ng karatula na may nakasulat na, “Advice from Emma Watson $2.”

Naging susi ang mini-therapy sessions para makausap ng masusuwerteng tao ang 26-anyos na aktres.

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

May mga haka-haka na ang interactive booth ay magiging bahagi ng pelikulang The Circle. Bahagi ng naturang pelikula, na magpapakita sa hindi magandang aspeto ng digital age, ang talentadong British actress at si Tom Hanks.

Pero si Emma Watson ay kilalang feminist, at naglilingkod sa UN Women bilang Goodwill Ambassador, kaya maaari ring eksperimento ito para sa mga karapatan ng kababaihan. (Yahoo Celebrity)