SAMPUNG taon na ang nakararaaan nitong Huwebes nang magpakalbo si Britney Spears, at tila ginunita niya ang milestone sa pamamagitan ng isang bible verse.

“Love this verse. Something everyone should live by,” saad ni Britney sa caption sa Instagram sa larawan na nakasulat ang Psalm 126:5 na, “Those who plant in tears will harvest with shouts of joy.”

Nag-post din si Britney, 35, ng larawan para sa Throwback Thursday ng kanyang sarili hawak-hawak ang isa sa kanyang mga anak na lalaki.

“Found this today and realized I’m a very blessed and lucky mommy,” aniya.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Napapanahon ang kanyang mga mensahe ngayong nasa rurok uli siya ng tagumpay pagkaraan ng ilang taong pagkakasangkot sa mga kontrobersiya.

Noong Pebrero 16, 2007, sangkot sa magulong custody battle si Britney laban sa kanyang dating asawa na si Kevin Federline, nang mapadaan siya sa Esther’s haircutting Studio sa Tarzana, California, at sinabi sa may-ari na si Esther Tognozzi na nais niyang magpakalbo. Nang hindi pumayag si Tognozzi, kinuha ni Spears ang buzzer at siya ang nagkalbo sa sarili.

Nagtuluy-tuloy ang mga problema ni Britney. Noong Enero 2008, naibigay kay Federline ang sole legal at physical custody sa kanilang dalawang anak na sina Sean at Jayden, at sinuspinde naman ang visitation rights ni Britney.

Sumailalim si Britney sa pansamantalang conservatorship noong Pebrero 2008, isang buwan na sumailalim sa psychiatric treatment sa Ronald Reagan UCLA Medical Center. Pagkaraan ng walong buwan, ang kanyang ama na si Jamie Spears, at abogado na si Andrew Wallet ang naging opisyal at full-time co-conservators.

Nitong mga nakaraang taon, nanumbalik na ang career ni Britney. Noong nakaraang taon, ang kanyang ikasiyam na album na Glory ay pinuri bilang pinakamaganda sa mga nagawa sa loob ng halos isang dekada. Sa ngayon, patuloy na nagtatanghal ang Grammy winner sa kanyang Las Vegas residency show at sa mga libreng panahon ay kapiling ang kanyang 10 at 11-anyos na mga anak. (ET Online)